"Walanghiya ka!" Ang malakas at galit na boses ni Bebe ang nagpabalikwas sa kanya ng bangon. Kahit masakit pa ang buong katawan niya dahil sa magdamag nilang pagtatalik ni Juan ay pinilit niyang bumangon at lumabas sa tent para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Sinulyapan niya muna si Juan na mahimbing na natutulog bago siya lumabas. Ang magandang sikat ng araw ang unang sumalubong sa kanya. Suot na niya ang puting t-shirt ni Juan. Nakita niya si Luis na pinapagpagan ang sarili na para bang natumba ito at kakatayo lang, tanging boxer short lang din ang suot nito. Samantalang si Bebe naman ay kulay gray na t-shirt ang suot, halatang kay Luis. Hindi siya napansin ng mga ito dahil nagtatalo ito. "Bebe, sandali lang–" "Huwag mo akong ma-bebe bebe! r****t!" Nanggagalaiting turan n

