Maagang nagpahatid si Bebe pauwi sa kanila, mukhang masama nga talaga ang loob nito. Kung sabagay, kung sa kanya nangyari iyon ay malamang matagal siyang maka-move on lalo na at magkababata at magkaibigan sila ni Luis. "Ate Venus, dito lang pala kita makikita." Napalingon siya sa likuran nang marinig ang boses ni Lolita, nasa harden siya at hinihintay si Juan. Umalis lang ito saglit dahil may kukunin daw sa silid nito para ibigay sa kanya. "Hi, Lolita. Kumusta ang seminar mo sa Maynila?" nakangiting tanong niya, one week itong nasa Maynila dahil may seminar tungkol sa kursong pinag-aralan nito. "Okay lang naman Ate Venus." Sagot nito, napakamot ito sa batok, para bang may gustong sabihin pero hindi magawang sabihin. "May sasabihin ka ba?" nagtataka niyang tanong. "E, kasi Ate Venus

