Chapter 15 “TRY this.” Nilagyan ni Dorothy ng isang hiwa ng cake na siya mismo ang nag-bake si Paulo. “You're not answering my question. Do you still love him?” mahina pero madiing tanong ni Paulo. “Pau, stop,” sabi ni Dorothy at uminom ng tubig. “Please, answer me. I’m tired of this relationship na wala namang patutunguhan, Thy.” Nakita ni Dorothy ang lungkot sa mga mata ni Paulo. “Pau, please, huwag natin `tong pag-usapan ngayon,” mahinang sabi niya sa binata. “No. I want to talk about it now. Kasi, Thy, alam mong matagal na kitang mahal. Alam mo `yan umpisa pa lang. Nagkaroon ako ng pag-asa nang maghiwalay kayo. Pero mukhang mali palang parang pinilit ko `yong sarili ko sa`yo.” Mapakla itong tumawa. “Wala. Walang namilit sa `kin, Pau. Ginusto kong sagutin ka. Ginusto kong maging

