Chapter 14 MALAKAS na tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang laro. Nanalo ang Tigers laban sa Eagles. Maganda ang ipinakita ng mga manlalaro para sa season na ito. Naging maayos ang laro ni Gregory. “Good job, guys, may kainan mamaya kina manager,” anunsyo ni Nathan sa mga kasamahan na nakikipagkamay sa kalabang kuponan. “Wow. That’s great!” sabi naman ni Gabriel. Masayang tiningnan ni Gregory ang mga ka-team. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nakapaglaro siya uli ng basketball at kasama niya uli ang matatalik na kaibigan. “Greg, sama ka mamaya, ah,” tapik sa kanya ni Gab. “Oo naman,” tango niya. Naglalakad na sila ngayon papasok sa quarters upang makapagpahinga at makapagpalit ng damit. “Akala ko, hindi ka na naman makakasama eh. Hindi na pwede ngayon `yon, d

