Chapter 3 Suicide ISANG linggo nang nasa hospital si Dorothy at halos madurog ang puso ni Gregory sa nakita nang pangalawang araw nito. Tulala lang ang dalaga at tahimik na lumuluha. Hindi niya magawang magpakita rito sa sobrang guilt na nararamdaman niya. Gusto niyang patayin ang sarili niya dahil alam niyang kaya nangyari ang bagay na iyon sa kasintahan ay dahil inuna nanaman niya si Ella. Yeah, si Ella na first love niya. Childhood sweetheart. Nagtangkang magpatiwakal ito nang iwanan ng boyfriend at dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito, walang ibang masasandalan ang kababata kung hindi siya. Nang ikatlong araw ni Dorothy sa hospital ay halos mabaliw siya sa nakita. Nasa rooftop ito ng hospital at nagtatangkang tumalon. Mabuti na lang ay nailigtas ito ng mga empleyado. Naalal

