Chapter 2 NOON pa man ay mahilig nang manood ng basketball si Dorothy, at mas lalo siyang nahilig nang makapasok sa Philippine team ang kanyang pinsang si Nathan. Habang nagluluto sa kanilang napakagandang kusina na ipinagawa talaga ng kanyang ina para sa kanya ay nanood siya ng unang laban ni Nathan.Marami itong kasamang baguhan pero mas nakuha ni Number 27 ang atensyon niya. PATRIARCAS Binasa niya ang nakasulat sa likuran nito. Matangkad √ Chinito √ Mestiso √ Oh my g! Napatili si Dorothy nang mag-three point shot ang binata.Ang braso ang laki.Napakagat-labi pa siya habang hinahalo ang harina na may margarina at itlog.Plano niyang gumawa ng tinapay.Halos hindi maalis ang mata niya sa panonood. Kahit na ba mukha siyang tangang tumitili kapag nakakaagaw ng bola ang bago niyang cru

