MASAYANG niyakap at hinagkan ni Katrina ang mga dating kaibigan at kasama niya sa fans club ng Lollipop Boys. Pare-pareho silang may malawak na ngiti sa mga labi. Hindi lamang siya masaya dahil sa comeback concert ng Lollipop Boys, masaya rin siya dahil muli niyang makakasama ang mga kaibigan niya sa fans club. Parang ayaw pa rin niyang paniwalaan na magsasama-sama uli ang limang lalaki sa iisang stage. Muntik na niyang sukuan ng pag-asa na mangyayari pa ang bagay na iyon. Kasama niyang nakaupo sa fifth row ang mga katulad niyang loyal fans. May nakalaang upuan para sa kanya sa second row ngunit mas pinili niyang makasama ang mga kaibigan niya. Nakakondisyon siya nang gabing iyon bilang fan at hindi bilang isang empleyado ng isa sa pinakasikat na celebrity sa buong mundo.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


