“WHERE is everyone?” bulong ni Katrina sa kanyang sarili nang datnan niyang walang tao ang unit ni Vann Allen. Birthday na birthday niya ay wala ang mga kasama niya sa paligid. Lumabas siya ng unit upang puntahan ang unit ni Cheryl. Tahimik ang buong palapag. Nagtataka na tuloy siya. Nasaan ba ang mga tao? Bago pa man siya makakatok sa unit ni Cheryl ay tumunog ang kanyang cell phone. May text message siya galing sa partner niya. Rooftop, iyon ang nabasa niyang nakasulat sa mensahe nito. Nangingiting nagtungo siya sa rooftop. Binigyan siya ni Vann Allen ng off kaya halos buong araw ay hindi niya kasama ang mga ito. She spent the whole day shopping and pampering herself. Ipinabago niya ang style ng kanyang buhok at nagbabad siya sa spa. Naiinis na inamin niya sa kanyang

