“HAPPY birthday.” “Thank you,” sabi ni Katrina kay Cheryl habang tinatanggap niya ang regalong bigay nito sa kanya. Natapos din ang party sa rooftop. Kasama niya ito sa unit niya at sinasamahan siyang buksan ang kanyang mga regalo. Binuksan niya ang regalo nito sa kanya. “Wow, thank you, Cheryl.” Isang crocheted sweater ang regalo nito. Maganda ang pagkakagawa niyon at mga paborito niyang kulay ang ginamit. Alam niyang ang kaibigan niya mismo ang gumawa niyon. Niyakap niya ito nang mahigpit. Alam niyang pinaghirapan nitong buuin ang sweater na iyon para sa kanya. “You’re welcome,” nakangiting sabi nito. “Sa susunod, scarf uli,” biro niya rito. Habit na talaga nitong igawa sila ng mga ganoong bagay. Magaling ang kaibigan niya sa crocheting. “Sure. Ikaw pa,

