NAKANGITING tinanggap ni Katrina ang iniabot ni Harvy na isang garapon ng cookies. Kaagad na binuksan niya iyon at tinikman ang isa. “Galing sa fan?” tanong niya rito. Nabura ang ngiti sa mga labi nito. “That’s very insulting, Katrina.” Natigil siya sa pagnguya at tinitigan ang mga cookies sa cookie jar. Mukhang homemade ang mga iyon kaya inisip niyang galing iyon sa isang fan. Mga fan lang naman ang matiyagang gumawa ng mga homemade cookies. “That’s for you. I made them for you. Thank you for appreciating my effort to give you something I personally made,” tila nasaktang sabi nito bago siya iniwan. Na-guilty siya sa kanyang nagawa. Malay ba niyang para sa kanya talaga ang cookies na iyon? Na galing iyon dito at ito mismo ang gumawa? Hindi kasi nito sinabi kaaga

