“DO I LOOK presentable enough?” tanong ni Katrina kay Harvy nang hagurin siya nito ng tingin paglabas niya ng silid na inookupa niya. Naging conscious tuloy siya sa kanyang hitsura. Masyado yatang simple ang suot niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang kanyang isusuot. She wore a colorful knitted blouse, a pair of white pants, and flat sandals. Simpleng dinner lang naman ang mangyayari at hindi kailangang ayos na ayos siya. Baka isipin pa ni Harvy na masyado siyang nagpapaganda para dito. He smiled as he looked at her. “You look perfect. You always do.” Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya ang paghanga na hindi nito itinago sa mga mata nito. He looked satisfied with her outfit. Nais niyang maging kaaya-aya sa paningin nito at sa paningin ng mga magulang nito.

