TAHIMIK na ang bahay pagbalik nina Katrina at Harvy. Marahil ay nagpapahinga na si Vann Allen nang mga sandaling iyon. Nakahinga nang maluwag si Katrina dahil hindi na niya maririnig ang mga pang-aasar nito sa kanya. Magtutungo na sana siya sa silid na nakatalaga sa kanya nang hawakan ni Harvy ang braso niya. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito. “Thank you,” anito. “For what?” Nagkibit-balikat ito. “For going home with me. For meeting my parents.” “Wala `yon,” tugon niya. “Nag-enjoy naman ako. Masaya pa ring kasama ang mom mo. Marami siyang tanong tungkol kay VA.” Lalo siyang hinila nito patungo rito. Napalunok siya habang nakatingin sa guwapong mukha nito na sobrang malapit sa kanya. He was looking intently at her, too. He look

