“HOME sweet home, “ narinig ni Katrina na ibinulong ni Vann Allen habang palabas sila ng airport. Gaya ng kanilang inaasahan, maraming tao ang nagpunta upang salubungin ang pagdating nito. Ang akala ng marami ay bihira itong umuwi sa Pilipinas dahil sa kaabalahan nito sa ibang bansa. Ang hindi alam ng mga ito, madalas na palihim na umuwi ito sa bansa upang bisitahin ang mga mahal nito sa buhay. “Home sweet home, indeed,” bulong niya. Iba talaga ang pakiramdam tuwing nakakabalik siya sa Pilipinas. Kahit hindi iyon kasingganda ng ibang bansang napuntahan niya, mahal pa rin niya ang bansang iyon. There was no place like home. Napatingin siya kay Cheryl na kanina pa nananahimik. Habang nasa himpapawid sila ay nanaginip na naman ito ng masama. Minsan talaga ay labis

