KAAGAD na nilapitan ni Harvy si Vann Allen paglabas na paglabas nito ng apartment ni Iarah. Napansin kaagad niya na may kakaiba rito. Wala ito sa ayos. Hindi na nito suot ang wig nito. Bukas ang mga butones ng polo nito at wala na ang umbok ng tiyan nito. Kanina ay sinabi nito sa kanya na lalabas ito kasama ni Enzo. Nais daw manood ng sine ng bata. Nais niyang magreklamo dahil ibig sabihin niyon ay hindi matutuloy ang pagkain nila sa labas ni Katrina ngunit wala rin siyang magawa. Nagpanggap ito bilang isang matandang lalaki na may malaking tiyan upang makapamasyal ito nang hindi dinudumog kasama ng anak nito. Maaari naman siyang hindi sumama dahil alam na ng mga tauhan niya ang gagawin, ngunit ayaw niyang ipakipagsapalaran ang kaligtasan ni

