TALIWAS sa inaasahan ni Katrina, hindi gumanda ang disposisyon ni Vann Allen nang mga sumunod na araw. Tila lalo itong naging bugnutin. Kaunting pagkakamali ay nakasigaw ito. Mukhang ang huling pag-aaway nito at ni Iarah ay ang pinakamalala. Dati ay sinusuyo kaagad nito ang dalaga at pagkatapos ay maganda na uli ang mood nito. Nang tanungin niya si Harvy kung ano ang nangyari nang gabing iyon, sinabi nitong hindi nito alam ang lahat ng detalye. Basta raw matinding pag-aaway ang naganap sa dalawa. Nais na sana niyang sugurin si Iarah ngunit pinigilan siya ni Cheryl. Hayaan daw niyang ang dalawa ang umayos ng problema ng mga ito dahil matatanda na raw ang mga ito. Kahit ang ibang Lollipop Boys ay naninibago kay Vann Allen. Halos lahat ng staff ay nangingilag na rito. Naw

