“THIS place changed a lot,” sabi ni Katrina kay Laureen habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid ng library. Noong una ay hindi sila makapasok dahil naka-lock. Pinakiusapan lamang ni Julia ang janitor na ibigay sa kanila ang susi upang makapasok sila. “Yeah,” tugon ni Laureen habang umupo sa harap ng isang mesa. “I used to study a lot here. Ikaw, lagi mo akong sinasamahan. Madalas, nagbabasa ka lang ng pocketbook sa tabi ko. Effortless para sa `yo ang pagiging honor student.” Sinamahan niya ito sa mesa. It felt good to go back to the times when they were still okay as friends. Kahit paano siguro ay minahal siya nito bilang kaibigan. Siguro ay naging mahalaga rin siya para dito. “Alam mo bang malaki ang inggit ko sa `yo noon?” pagpapatuloy nito. “Naiinis

