Hawak niya ang anesthesia saka siya naglakad upang hawiin ang manipis na tela na nagsisilbing tabing mula doon. "Sino ang mauuna?" Tanong niya at dito nanlaki ang kanyang mga mata, ang taong iniiwasan niyang makita nasa harapan niya ngayon nakahiga sa isang kama kasama ng isang bata. "Ahm, Dok' ako muna ang unahin mo?" Seryosong saad ni Harry sa kanya. Napaatras siya ng bahagya at halos mabitawan na niya ang hawak niyang iringgilya. Awang ang kanyang bibig dahil hindi niya inaasahan na makita niya ito ngayon. Ngunit laking pagtataka niya kung ano'ng ginagawa nito sa higaan? Napalunok siya, hindi mawari ang kanyang magiging reaksiyon. "Doc' magpapatuli po ako. Ako muna ang unahin mo bago si Adrian please." Sabay kindat ni Harry sa kanya. Natatawa naman si Sophie na noon ay nasa isang gi

