Mula Mindanao sama-samang lumuwas pabalik ng Maynila sina Harry kasama ng kanyang mga kaibigan. Sa loob pa lamang ng eroplano ramdam na nina Duke at Anton ang labis na kalungkutan ng kanilang kaibigan. Hindi ito kumikibo—ngunit ramdam nila ang matinding galit na nananalaytay ngayon sa buong pagkatao ni Harry. "Humanda ang taong gumawa nito sa pamilya ko! Sisiguraduhin kong buhay din ang kukunin ko kapalit ng buhay ng mga mahal ko!" Kasabay ng pag-igting ng kanyang panga ang pagyukom ng kanyang mga kamao. "Bok' naiintindihan ka namin, pero isipin mo alagad ka ng batas at hindi mo dapat ilagay sa kamay mo ang batas alam mo 'yan!" Muling paalala ni Duke sa kanya. "Tama si Duke bok, may batas tayo na uusig sa kung sino man ang gumawa nito sa pamilya mo." sunod namang saad ni Anton. "Walan

