Isang nakakapangilabot na pangyayari ang gumulantang sa buong apartment building ng umagang iyon' kung saan nakatira ang pamilya ni Harry. Alas-sais pa lang ng umaga nandoon na si Aling Lourdes sa tapat ng pintuan ng unit nina Phoebe. "Hindi paba gising ang batang iyon? Naku, at may pasok pa sa eskwelahan iyon ah." Nagtataka siya dahil sa tuwing umaga dapat hindi na naka- kandado mula sa loob ang pintuan para malaya lang siyang makapasok. Ganoon pa man binigyan siya ni Phoebe ng duplicate key' para kung sakali na nakalocked ang pintuan ay madali lamang siyang makakapasok. Kinuha niya ang susi sa kanyang bag. Eksaktong pagkakuha niya ng susi ay biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin na tila ba yumakap sa kanya—napahawak siya sa kanyang mga braso dahil tila nagsitayuan din ang k

