"Mahal? Gising Harry mahal ko," nagising si Harry ng maramdaman niya ang masusuyong haplos sa kanyang mukha. Sabayan pa ng marinig niya ang isang pamilyar na boses na iyon na kay tagal na niyang hindi naririnig. "Hmm.." unti-unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata, ganoon na lamang siya pinanlakihan ng kanyang mga mata ng masilayan niya ang magandang mukha ng asawa. Napakaganda parin ni Phoebe. Batang- bata parin ito sa kanyang hitsura. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon at niyakap niya ito ng mahigpit. "Mahal' ikaw nga! Phoebe," unti-unting nangilid ang kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng maraming taon simula nawala ang asawa ay muli itong magbabalik. Si Phoebe nandito ngayon sa mismong harapan niya. "Sorry mahal ko. Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi niy

