_JOIN FORCES

2043 Words
Her eyes widened. Akira was stunned and speechless at that moment. She was shocked. Totally shocked. "Now tell me how good it feels to kiss an old man like me. Isn't it good, doctora?" he snapped his finger in front of Akira's face, along with a mischievous smile. Nanatiling nakatulala si Akira na siyang nagbigay lalo kay Col. na tumawa ng nakakaloko. "Ahahah.. Wala ito, nasarapan eh. Tulala ang doktora. Gusto pa yata ng isa? Abah, Doktora namimihasa kana ah' pinatikim ka lang nagustuhan mo kaagad?" Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Akira. Akmang hahalikan niyang muli ito ng bumalik sa kanyang huwisyo ang Doktora. "You bastard! What right do you have to steal my first kiss?!" A loud slap landed on the Colonel's face. "Sakit!" napangiwi siya habang hawak ang nasaktang pisngi, tumawa lamang ito sa kanya. "Don't you ever underestimate an old man like me Doktora. Dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Pati 'yang sinasabi mong nuts na 'yan, kaya kong patunayan ngayon mismo kung gaano ako katakaw sa mani." Dito lalong nag-init ang ulo ni Akira. "Argggg... Bastos! Walang galang! Walang modo na opisyal! Daddy..." Naiiyak niyang sabi habang punas-punas niya ang mga labi nitong hinalikan ni Col. "Ahahah.. Ang tapang-tapang mo kanina, tapos tatawagin mo ang Daddy mo? Ibang klase ka rin Doktora ah." Mga tawa nitong mapanukso, mga ngiti nitong nakakaloko na lalong nagbigay kay Akira ng matinding pagkainis. "Alam mo ba kung gaano ko iniingatan ang aking sarili? Ang first kiss ko, hindi dapat napunta sa'yo na walang modo, walang breeding at bastos na sundalo! Isusumbong kita sa Daddy ko!" Naiiyak nitong sabi, habang patuloy parin niyang pinupunasan ang kanyang mga labi. "Daddy's girl. Hmm? Eh, di magsumbong ka sa Daddy mong kalbo. Hindi ako natatakot Doktora." Naiiyak na siya, hindi niya matanggap na nawala ng ganun-gano'n na lamang ang kanyang unang halik na isa sa kanyang mga pinaka-iingatan. "What's going on here? Ate are you okay? My God, are you hurt? I'll hold Daddy and Mama accountable for this." her brother Quillan, who is also a doctor, came to her worriedly. "I'm okay Ading, nothing to worry." Garalgal ang boses nitong tugon sa kanyang kapatid. Mabuti na lamang at hindi nito nakita ang ginawang kapangahasan ng mayabang na sundalong ito sa kanya. "And you!" Quillan pointed at Col. Fajardo and the other soldiers. "Isn't it your job to keep this area safe? Before we conducted a medical and dental mission in this area—we cooperated with you, didn't we!?" Quillan said angrily and loudly. "How are you feeling, Ate? Are you sure—you're not hurt?" Akira nodded. Hindi nakaimik ang opisyal. May kasalanan din sila. Naging kampante siya na nasa maayos ang lahat—na walang mangyayaring kahit anumang gulo. Tahimik ang lugar dahil simula noong nagkaroon ng kampo ang mga militar sa lugar na iyon ay nabawasan ang pangamba ng mga tao sa mga grupo ng mga rebelde. "Colonel Fajardo right?" Tanong ni Quillan. Tumayo lang siya ng tuwid, taas ang noo habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang likuran. "Yes I am?" "So you're the one assigned to this area?" "Ehemm.. Yes I am?" "Then what happened? Why did you let this happened? Especially to my Sister, do you know who we are, Colonel?" As Quillan asked the officer in a stern tone. "Ahm—heheh.. Wala pong may gusto nitong nangyari sa kapatid ninyo. Sorry ah, bakit—sino ba kayo? Mga doktor kayo alam ko," namimilosopo pa nitong sabi. "Ang yabang mo ah!" Nanggagalaiti si Quillan. Kaagad na hinawakan ni Akira sa braso ang kapatid para awatin dahil nag-uumpisa na itong uminit ang kanyang ulo. "Quillan stop it! Wala ng silbi na makipagtalo pa tayo sa ganyang uri ng tao." kalmado ngunit puno ng diin na wika niya sa kapatid. "Pero ate, hindi pwede. Kapag namalan ito nina Daddy at Mama—lagot, papatanggal nila sa pwesto itong mayabang na Colonel na ito. Lalong-lalo na kapag nakarating ito kay grandpa." napalunok si Akira, tama ang kanyang kapatid. "No! Quillan no!" Umiling-iling si Akira, alam niya kung ano ang kayang gawin ng pamilya niya oras na malaman nila ang nangyaring ito sa kanya. "Ading listen to Ate please.. Don't," nakikiusap ang kanyang mga mata na tumitig kay Quillan. Habang ang opisyal ay nakangiti lamang na nakatunghay at nakikinig sa kanilang dalawa. "Ading—tama si Colonel walang may kagustuhan sa nangyaring ito. Nagkataon lang ang lahat." Sabi ni Akira at pasimple niyang sinulyapan ng masamang tingin ang opisyal na noon ay ngiting-ngiti habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. "Okay, if that's what you want. Just make sure na hindi ka nasaktan Ate," muli ay wika ng kapatid. "Yeah. Don't worry Ading, I'm fine. Kahit papaano nagamit ko ang mga itinuro sa atin ni Mama. Sige na mauna kana doon—susunod ako Quillan. Ituloy niyo ang mission' marami pa ang hindi nabibigyan ng para magkaroon ng saysay ang pagpunta natin dito." Sabay tapik nito sa balikat ng kapatid. "Si-sige. So paano mauuna na ako. Sunod kana Ate," napipilitang saad ni Quillan. Siya nga ay nauna ng umalis para muling magbalik sa mission site. Ng masigurong nasa malayo na ang kapatid ay siya naman ang sunod nitong pinagtuunan ng pansin. Galit ito. Hindi mawala-wala sa isip niya ang ginawang pagnanakaw ng aroganteng sundalo na ito sa kanyang unang halik. The first kiss she cherished the most. Its sacredness had been lost—because of this arrogant soldier. "Pasalamat ka at may awa parin ako sayo. Kung tutuusin kaya kitang ipatanggal sa serbisyo kung gugustuhin ko! Pero—naiisip ko kawawa naman ang pamilya mo. Or should I say mga pamilyang pinapakain mo! Dahil sigurado akong marami kang pinapalamon na mga anak—o mga asawa Colonel Fajardo." Matapang nitong wika sa opisyal. "Naaawa ka sa akin? Huh! For your information Doktora—hindi ako natatakot sa'yo. Bakit hindi mo gawin—sige subukan mong ipatanggal ako sa serbisyo. Iyon ay kung kaya mo," kumindat-kindat pa ito sa kanya na lalong ikinainis ni Akira. "Ikaw na nga ang ginawan ng pabor, ikaw pa itong akala mo kung sino! Mayabang kana nga—magnanakaw kapa!" Nanggigigil na wika nito kasabay ng pagyukom ng kanyang mga kamao. "Kung pwede lang kitang pagpira-pirasauhan ngayon, ginawa ko na. Bwusit na gurang na ito," hindi niya maiwasang hindi manggigil at magsalita ng masama. Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok. Inayos niya ang kanyang suot na damit at nagmamadali ng tumalikod. "Hep! Saan ka pupunta Doktora?" Mapangahas niya itong pinigilan, kaagad siyang humarang sa daraanan ni Akira. "Hep!" "Can you get out of my way?!" "Hindi pwede," "And why can't I?" "May nakalimutan kapa Doktora," sabi pa niya dito kasabay ng nakakalokong mga ngiti. "Walang akong nakalimutan. Excuse me po—Tatang," Not even a second had passed—after she had said those words, Col. Fajardo violently hugged her again and claimed her lips again. It was like a stump. She felt her body stiffen and her mind go blank. She wanted to protest—but why couldn't she? No one had dared to do this to her—except this arrogant soldier whom she called an old man. "Try calling me an old man again—I will not only eat your lips but also the nuts you're talking about Doktora. Ahahah.." as he laughed at her. Dito ay tuluyan siya nitong iniwan. Nakatulala si Akira. Habang si Colonel ay todo ang pagkakangiti nitong naglakad paalis sa kinaroroonan niya. "What's wrong with you Akira? Don't tell me you liked that old man's kisses? No Akira! This can't be!" As her mind continued to protest. "Daddy," tanging nasambit niya habang hawak-hawak ang kanyang mga labi. * * * Nanatili pang nakatayo at tulala si Akira ng ilang sandali habang panay ang punas niya sa kanyang labi—bago napagpasyahang tumalikod. Habang si Harry ay pinagmamasdan lamang siya nito mula sa isang tabi. Sinundan lamang niya ng tingin ang Doktora na noon ay naglakad na palayo. "Tsk.. Tsk.." naiiling-iling nitong sabi sabay ng mga nakakalokong ngiti. "Old man pala ah, ahahah.. What now, you've tasted an old man's kiss. Doctora you want more? Yahoo.." he shouted again. Akira turned and glared at him. "Damn you!" Tugon naman nito sa kanya kasabay ng masamang tingin. "Infairness, that was so sweet. Whoaw .." Mahinang sambit niya sa kanyang sarili. Siya ay naglakad muli para sundan kung saan patungo ang Doktora. Naniningkit ang kanyang mga mata ng mapansin nitong patungo ang Doktora sa direksyon kung saan nila dinala ang hostage taker. "Naghahanap talaga ng sakit sa katawan ang babaeng ito eh, tsk.. Ibang klase din," lumapit siya at prenteng tumayo malapit sa dalawa ng nakapamulsa. "Dok, parang-awa niyo na. Patawarin niyo ako—hi-hindi ko po sinasadya ang nagawa ko. Gusto lang kitang dalhin sa bahay ko dahil may sakit ang anak ko. Wala kaming pera, tinanggihan kami ng hospital Dok," Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Akira. "Hindi rason iyon para gumawa kayo ng masama Manong," "Alam ko Dok, gulong-gulo na ang isipan ko. Wala akong mahingan ng tulong, parang-awa niyo na. May sakit ang anak ko, biyudo na ako Doktora. Paano na lang ang mga anak ko kapag nakulong ako?" Sising-sisi ang suspek sa kanyang nagawa, umiiyak, nagmamakaawa. "Sana bago niyo naisipan na gumawa ng masama, naisip niyo muna ang kalalabasan nito." Muli ay tugon ni Akira sa suspect. "Nagsisisi na ako. Maawa po kayo sa akin! Ang mga anak ko, sigurado ako naghihintay na sila sa akin ngayon. Paano ang mga anak ko?" Patuloy itong nagmamakaawa, dito nakaramdam ng matinding pagkahabag si Akira. Huminga siya ng malalim. Napahawak siya ng kanyang dibdib. Bakit may mga taong kailangang maghirap ng ganito? Hindi patas ang buhay. "Isa po akong simpleng magsasaka. Hindi pa man po naaani ang mga pananim kong palay at mais—wala na pong matitira dahil baon po ako sa utang sa mga bodega. Ako lamang ang inaasahan ng pamilya ko Dok, tulungan niyo po ako. Ang mga anak ko maliliit pa po," Dito bumuhos ang emosyon ng suspek. "God," mahinang sambit ni Akira, napapikit ito at hindi niya maiwasang hindi maluha. Nakakadurog ng puso para sa isang katulad niya na makitang may mga taong napipilitang gumawa ng masama alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay. Col. Fajardo just stood there near of them with his arms crossed as he listened intently and observed the two. He also shook his head while listening to the suspect's story. "Villegas come here," sumenyas siya sa isa niyang kasama. "Yes Sir?" "Verify if what this suspect is saying is true. Makipag- coordinate ka sa mga Pulis, hurry up!" utos pa niya sa isang kasamahang sundalo. "Your order will be obeyed Col. permission to leave Sir," tumango lamang siya at ipinagpatuloy ang pakikinig sa dalawa. "Nagsasabi po ako ng totoo Doktora." Dito unti-unting lumuhod ang suspek sa kanyang harapan—umiiyak, nagmamakaawa habang nakaposas ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. Hindi makayanan ni Akira ang kanyang natutunghayan. Punas ang kanyang nangilid na mga luha—yumuko siya ng bahagya para tulungang makatayo ang suspek. Inalalayan niya hanggang sa ito ay makatayo. "Ibang klaseng babae, ginawan kana ng masama—pusong mamon ka parin. Kakaiba," napapabulong na wika ni Col. Harry. "Ngayon malalaman ko kung nagsasabi ka ng totoo. Siguraduhin mo lang na hindi ka isang rebelde—dahil ako mismo ang pipilipit sa leeg mo!" Pinakatitigan niya itong muli. Mukhang sinsero naman ito sa lahat ng kanyang mga sinasabi. "Ahm, paano ba ito? Okay, tumayo kayo diyan at ako na ang bahala sa anak mo. Ngayon din mismo, dalhin mo ako sa anak mo." Dito mababanaag ang sobrang tuwa sa mukha ng suspek. "Talaga po Doktora? Tu-tulungan mong maipa-ga-mot ang bunsong anak ko?" Tumango naman si Akira, "Sige po—sige po, nasa bahay lang po ang anak ko." Masayang- masaya si Simon. Saktong pagdating ng mga Pulis para kunin at dalhin ang suspek sa presinto ay siya namang pagdating ng inutusan ni Col. Harry na mag- imbestiga. "Ano'ng balita Villegas?" Lumapit sa kanya ang tauhan at may ibinulong ito sa kanya. "Sir, nasa malapit lamang ang bahay ng suspek. Totoo po ang sinasabi niya Sir." mahinang bulong sa kanya ng tauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD