Dahil sa pakiusap ni Akira at dahil narin sa request ni Col. Harry ay hindi muna nila kinuha ang suspek bagkus ay nagpasama sila dito para dalhin sila sa anak niyang may sakit.
Sila ay naglakad habang nakaposas parin ang suspek. Nakasunod naman si Akira sa mga Pulis habang si Col. Harry ay nasa kanya namang likuran kasama ng ilang niyang mga kasamahan.
"Life is unfair, isn't it?" Malungkot na wika ni Akira habang sila ay naglalakad sa isang mabatong daanan papunta sa bahay ni Simon. Lumingon si Col. Harry at tiningnan niya kung kanino sinasabi ng doktora ang mga katagang iyon.
"Sino ang kinakausap niya—ako ba?" Bulong ng isipan niya.
"Kung bakit may mga taong kailangang dumanas ng hirap sa buhay. Dapat pantay-pantay ang lahat." Muli ay narinig niyang wika ni Akira. Dito lihim na natatawa si Col. Harry—hindi niya malaman kung sasagot ba siya o hindi. Kanina pa nagsasalita si Akira ng mag-isa gayong wala naman siyang kausap na iba.
Nagkatinginan silang dalawa ng sundalong kasama niya. Nagkibit balikat naman siya.
"Kinakausap kayo ni Doktora Sir," pabulong na wika nito sa opisyal.
"Isa ka rin ah. Sigurado kaba na ako ang kinakausap niya? Lalapitan ko na 'yan," Tumawa pa ito ng bahagya. Tumikhim ito at tumabi nga kay Akira.
"Yeah. Life was so unfair." Malungkot at nakayukong saad nito kay Akira habang sinasabayan niya ito sa paglalakad.
"Life should be fair. Where is the justice for people like Manong? What is the Government doing? When will they wake up?" she said to him, shaking her head.
Harry couldn't help but smile. This woman by his side was different from everyone else. She had a heart. She had feelings and above all, she cared deeply for her fellow human beings.
Lihim siyang natutuwa. Lihim siyang napapangiti na may isang katulad ng doktorang ito na mas pinapairal ang kabutihang loob kaysa manghusga ng kapwa tao.
Pagkatapos ng ilang sandaling paglalakad sa mabatong daanan—narating nila ang isang maliit na bahay na nasa hindi kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.
"Doktora pasok po tayo," saad ni Simon. Maliit lamang ang bahay na iyon, gawa sa kawayan ang dingding at ang bubungan nito ay gawa sa dayami.
Si Col. ay sumenyas sa ilang mga kasundaluhan at Pulis na manatili na lamang sa labas ng bahay para magbantay. Nauna ng pumasok ang suspek. Sumunod naman si Akira at nasa likuran naman niya si Col. Harry.
"Doktora ako nga pala ulit si Simon. Dito po tayo, nandito ang anak ko." Mula sa isang papag may nadatnan silang dalawang bata na nakaupo doon. Isang batang lalake na nasa edad dose at batang babae na nasa edad sampo.
Mula sa higaang papag may napansin pa silang isang sanggol.
"Siya po ang anak ko Doktora, Col. may sakit po sa baga ang anak ko kaya hirap po siyang huminga." Isang kahabag-habag na senaryo ang kanilang naabutan.
"God," napahawak si Akira ng kanyang dibdib.
Ang batang sanggol na nakahiga sa papag, binabantayan ng dalawa nitong nakakatandang kapatid. Pinapaypayan ng batang lalake ito samantalang ang batang babae ay pinapadede niya ito mula sa isang bote.
Napalunok si Akira ng makita nito ang kaawa-awang kalagayan ng bata. Maging si Col. Harry ay hindi maitago ang kanyang pagkadismaya ng makita nito ang sanggol.
"Damn!" Napapamura siya sa kanyang isipan. Paanong nagawang tanggihan ng hospital ang isang musmos na katulad nito. Isang anghel. Isang walang kamuang-muang?
Lihim siyang nagngingitngit. Kung mayroon man siyang gustong ipaglaban ngayon—iyon ay ang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang bawat isa lalo na sa atensyong pang- medikal.
"God," ganoon na lamang nahahabag si Akira sa hitsura ng sanggol. Sobrang payat nito. Buto't balat na lang ito kung tutuusin.
"Ilang taon na siya?" tanong ni Akira.
"Dalawang taon po Doktora. Siya po si Angel. Namatay ang asawa ko noong isinilang niya ang bunso namin." Emosyonal na wika ni Simon sa kanila.
"Gusto ko siyang dalhin kanina sa medical mission' pero dahil sa takot ko na muling tanggihan ang anak ko, minabuti kong ikaw na lang ang kukunin ko para dalhin sa anak ko. Patawarin niyo ako Doktora—Colonel." nakayuko at emosyonal na wika ni Simon.
Dito nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha. Pati si Col. na noon ay tumalikod at pasimpleng nagpunas ng kanyang mga mata. Kilala siya bilang matapang. Walang inuurungan. Walang kinakatakutan.
Pero pagdating sa mga ganitong bagay, aminin man niya o hindi mahina siya. Lalo pa't may isang musmos na nilalang ang sangkot dito.
"Doc, is there anything we can do?" sabay singhot niya dahil talagang nakakahabag ang kalagayan ng bata.
"Let me, mga bata doon muna kayo ah. Sige na, titingnan ko lang ang kapatid ninyo." Kaagad namang tumalima ang dalawa nitong nakakatandang kapatid.
"Baby kumusta ka?" Wika ni Akira, hinawakan niya ito sa dalawa nitong braso ang bata at itinaas niya iyon at sunod naman ay pinatagilid niya ito ng higa.
Gamit ang dalang stethoscope, sinuri niya ang bata. Inilapat niya ang disc shaped resonator sa dibdib ng bata upang mapakinggan ang tunog o t***k mula sa puso at baga ng bata. Napapailing ito. Ganoon na lamang siya pinanghihinaan.
"There's nothing I can do now—than to take her to the hospital. Her lungs are weak." Napasapo ni Harry ang kanyang noo.
"Ano pa'ng hinihintay natin, dalhin siya sa hospital." Sagot naman niya kaagad kay Akira. Wala sa sariling binuhat niya ang bata palabas ng kanilang munting tahanan.
"Anak, magpagaling ka ah. Hihintayin ka ni Tatay," emosyonal na wika ni Simon sa kanyang anak habang inilalabas nila ito sa kanilang bahay.
"Ako na ang bahala sa kanya Manong. Pero sa ngayon, sumama na muna kayo sa presinto. May sinusunod tayong batas. May sinusunod tayong proseso —may nagawa kang mali, pero huwag kang mag-alala babalikan kita. Ako'ng bahala sayo at sa mga anak mo pangako ko iyan." Labis-labis ang tuwa ni Simon, sa wakas maipapagamot na ang kanyang bunsong anak.
Habang buhat-buhat ni Col. Harry ang bata, isang masakit na alaala ang nagbalik sa kanya. Isang alaala ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi niya nakakalimutan.
Higit tatlong dekada na ang lumipas ngunit sariwa parin sa alaala niya ang lahat. Isang trahedya sa kanyang buhay. Isang malagim na trahedya—ang pagkawala ng kanyang mahal na asawa at anak nitong dalawang taong gulang pa lamang noon.
Hanggang ngayon hindi siya tumitigil para makamit ang hustisya. Ramdam niya ang pinagdadaanan ni Simon dahil maging siya ay pinagkaitan din ng pagkakataon.
Ang ipinagkaiba lamang nila—si Simon pinagkaitan ng pagkakataon para maipagamot ang kanyang anak. Samantalang siya ay pinagkaitan ng pagkakataon para bigyang hustisya ang nangyari sa kanyang mag-ina.
Sobrang sakit. Dahil wala siyang nagawa para iligtas ang kanyang mag-ina. Wala siya sa tabi nila noong mga panahong kinakailangan nila ng tulong niya.
* * * *
"The patient needs immediate medical attention. Team listen, kayo na muna ang bahala dito site. Quillan take charge. Sophie and Andrew sumama kayo sa akin sa hospital." Pagkatapos niyang maipaliwanag sa kanyang team ang lahat—naghanda na rin sila para madala ng hospital ang bata.
"Mag-iingat kayo Ate," muling paalala ni Quillan sa kapatid.
"I will Ading, kayo din mag-iingat kayo dito." Mula sa isang ambulansya sumakay ang dalawang nurses na sina Sophie at Andrew para may makasama at mag-asikaso sa bata sa loob ng ambulansya.
"Villegas, sumama ka sa mga Pulis. Make sure the convoy's route is clear bago sila tumulak, is that clear?"
"Sir yes, sir!"
"Men move, sundan ninyo ang ambulansya at siguraduhin ninyong ligtas sila!" Utos pa nito sa ilan niyang mga tauhan.
"Right away Sir, pero paano po kayo?"
"I can manage. Susunod ako," nauna ang sasakyan ng mga Pulis, kasunod nito ang ambulansya na magdadala sa bata sa hospital. At sumunod naman dito ang sasakyan ng mga sundalo.
Alam niya kung gaano kaledikado ang daan. Alam niya kung gaano kapanganib ang lugar. Bukod sa liblib ito— kilala ang lugar na maraming mga makakaliwang grupo na namumugad dito.
Pasakay na siya ng kanyang Bison pick-up truck ng mapansin niyang mag-isang sumakay si Akira sa kanyang kotse.
"Huh! Seryoso ba siya, mag-isa lang siya sa sasakyan?" Nilapitan niya ito.
"Sana sumama ka nalang sa convoy kanina." Napalingon si Akira ng marinig nitong may nagsalita mula sa likuran niya.
"Kaya ko ang sarili ko,"
"Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito?" tanong niya.
"I know, this is a remote area."
"Alam mo naman pala, bakit hindi kapa sumama sa mga Pulis?"
"As what I've said, kaya ko ang sarili ko." Nagtaas siya ng kanyang kilay at hinarap ito.
"Is that so? O baka gusto mo sumama ka nalang sa akin para mas mabilis tayong makarating ng hospital." Alanganin pa niyang sabi. Susubukan lang naman niyang yayain ito baka sakaling pumayag itong sumama sa kanya dahil talagang hindi palagay ang loob niyang mag-isa lang itong sasakay ng kanyang kotse.
"I feel safer if I'm alone. I'll be even more vulnerable if I'm with someone as arrogant as you." The officer suddenly laughed, thinking they were fine because she had already talked to him earlier.
"Huh! Walang-hiya, nagmamagandang loob na iyong tao." Tanging bulong niya sa kanyang sarili, napapakamot na lamang siya ng kanyang ulo.
"Ate, I think you're safer when go with him. Hindi ako papayag na mag-isa ka lang na bumyahe ate." Mula sa malapit narinig niyang nagsalita si Quillan.
"Sige na Ate, sumama kana kay Col. ako ang mananagot kina Mama at Daddy kapag napahawak ka sa daan." Nagkibit balikat na lamang siya.
Ano pa nga ba'ng magagawa niya kundi sundin ang kagustuhan ng kapatid niya. Tutal kaligtasan lang naman niya ang iniisip nito ano pa ang silbi na makipagtalo pa siya dito.
"Okay." Tipid na sagot niya, napapailing at lihim na natatawa na lamang si Col. Fajardo sa kanya.
"You take good care of my sister! May tiwala ako sa'yo Col. Fajardo kaya 'wag mong sisirain iyon!" Matigas na turan ni Quillan sa opisyal.
"Opo Dok, iingatan ko ang kapatid mo' kagaya ng kung paano niya ingatan ang kanyang sarili. Paalam," ngiting-ngiti ito habang papasakay siya ng kanyang sasakyan.
Nauna na siyang sumakay. Hindi na siya nag-abala pang pagbuksan si Akira ng pintuan dahil nandoon naman ang kapatid nito para gawin iyon.
"Ingat Ate," kumaway pa siya sa kapatid bago tuluyang nakaalis ang sasakyan nila sa lugar na iyon.
Tahak nila ang daan. Walang imik si Akira. Samantalang sisipol-sipol naman si Harry at pakanta-kanta pa.
Binuksan niya ang radyo. Ng marinig niyang pumailanlang ang awitin ni Ric Segreto.
I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say 🎵 🎵 🎵
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line
I still don't know what to say
What to say.... 🎵 🎵 🎵
Nagulat pa siya ng sabayan nito ang kanta. Pero hindi niya ito nilingon pa bagkus ay inayos niya ang kanyang sarili mula sa pagkakaupo sa silya ng sasakyan.
"Don't know what to do, whenever you are near. Don't know what to say, my heart is floating in tears—when you pass by, I could fly." Maganda ang boses ni Harry, aminin man niya o hindi nagugustuhan niya iyon. Lihim siyang napapangiti.
Itinukod niya ang kamay sa kanyang baba. Muli siyang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan at napakagat sa kanyang hintuturo habang patuloy na kumakanta si Col. Fajardo.
"He got the voice huh, hmm.. Wa-wait Akira, pinupuri mo ba ang mayabang na sundalong ito?" bulong ng kanyang isipan. Pero kahit ganoon, hindi parin maitatangging naiinis siya dito dahil sa kayabangan nito.
Lalo ng maalala niya ang kapangahasan nito kanina na ninakaw ang pinaka- iingatan niyang unang halik. Hindi lang isang beses kundi dalawa pa.
Lumakas pa ang boses nito sa pagkanta na para bang pinaparinggan siya nito.
"Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways.
You're beside me all the time, all the time..." Kung siya man ang pinaparinggan nito—pwes, magdusa siya manigas siya dahil kahit gaano pa kaganda ang boses niya wala siyang balak na magreact dito.
Nag-uumpisa na naman siyang mainis, muli niyang itinutok ang kanyang paningin sa labas ng bintana.
Natapos ang awitin ng pumailanlang muli ang isang awitin. Tila nananadya ang mayabang na sundalong ito.
Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you 🎵 🎵 🎵
I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines to take you where you go
"But if you ever find yourself. Tired of all the games you play. When the world seems so unfair—you can count on me to stay. Just take some time to lend an ear, to this ordinary song,"
Muli niyang sinabayan ang kanta. Sumisipol-sipol pa ito kasabay ng malakas nitong boses habang kumakanta.
"Shut up!" Naiinis na wika niya. Pero imbes na tumigil si Harry lalo pa niyang nilakasan ang kanyang pagkanta.
"But deep inside of me is you. You give life to what I do. All those years may see you through—still, I'll bе waiting here for you. If you have timе, please, lend an ear to an ordinary song." Bumaling siya dito dahil sa inis.
"Hindi kaba titigil huh?! Alam mo, ang ingay mo! Naririndi na ako sa'yo!" sabay takip nito sa kanyang tainga.
"Excuse me Doktora ah, kumakanta lang po ako, bakit kaba nagagalit diyan?"
"What ever!" As she rolled her eyes on him. Ngumiti lang ito sa kanya saka siya nito kinindatan.
"The arrogance!" sigaw ng isipan niya.
"Please lend an ear to this ordinary song," sabay kindat niyang muli sa kanya.
"Tigilan mo na ako pwede, mag drive ka nalang diyan dahil malayo pa ang lalakbayin natin. Ang layo pa ng Tuguegarao, kaya tumigil kana diyan!"
"Tsk.. Nagmukha na akong entertainer dito ah para hindi ka lang maboring—tapos magagalit ka? Isang thank you lang, sapat na Doktora."
"Thank you 'yang mukha mo!" naiinis niyang sabi sabay napahalukipkip siya sa kanyang upuan.
"Ganyan kaba pinanlaki ng Daddy mo, hindi ka man lang marunong magpasalamat?"
"At bakit ako magpapasalamat sayo? Sinabi ko bang kantahan mo ako? May kasalanan kapa sa akin ah, baka nakakalimutan mo?!" naiinis na wika niya.
Hindi niya alam kung hanggang kailan ang pagtitiis niya sa mayabang na sundalong ito. Napapaisip tuloy siya, sana mag-isa na lang siyang bumyahe tahimik pa ang buhay niya.
"Wala akong ginawang masama sa'yo Doktora ah' iyong kiss ba ang problema mo? Madali lang naman ang solusyon diyan eh, Ahahah.." lalong naningkit ang kanyang mga mata, talagang ipinaalala pa niya ang kapangahasan nito kanina.
"Gantihan mo ako! Para makabawi ka, sige gawin mo! Magpapaubaya ako," kasabay ng mga mapanloko nitong mga ngiti.
"How?" taas noo nitong tanong.
"Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa akin," sagot ni Harry
"Anything?" Siya naman ngayon ang lihim na natatawa.
"Yes, anything Doktora."
"Hmm.. Sige, ikaw ang magsabi' kung anong parusa ang gagawin ko sa isang mayabang na katulad mo!" Taas kilay nitong saad.
"Para makaganti ka, halikan mo din ako. Tapos ang usapan, ahahahah.. Ang simple diba, dalawang beses kitang hinalikan, dalawang beses din dapat ang ganti mong halik sa akin." Dito bumuhos ang sobra niyang pagkainis sa opisyal.
"Aggg.. Bwusit ka! Bastos! Bastos! Bastos!" Sabay pinaghahampas niya ito sa balikat, tawang-tawa naman ang opisyal sa kanya.
Nasa ganoong ayos sila, hinahampas hampas niya sa balikat si Harry ng bigla na lang isang malakas pagsabog ang pumukaw sa kanilang dalawa. Sobrang lakas niyon. Dumadagundong. At tila ba mabibiyak na ang lupa. Nabibingi na din siya dahil sa lakas ng pagsabog na iyon. Nagkatinginan silang dalawa.
"Ayyyy.." sumigaw siya ng malakas, sabay takip sa kanyang mga tainga.
"Ambush! Yuko!" Sigaw ni Col. Fajardo.
"What have I gotten myself into? I thought I would be safe with someone—but no, you put my life in even greater danger!" Nagsisisigaw na saad ni Akira.