Days before the wedding, personal na sinundo ni Lean sina Mamay at Tita Roda sa Catanduanes. Habang hinihintay ang pagdating ng mga ito, parang batang excited si Romina na naghihintay sa sala. Naroroong tatayo siya mula sa sofa at sisilip sa labas. Nakatulugan na nga niya ang maghintay. Naalimpungatan na lang nang madama ang tila masuyong haplos sa kanyang mukha. “Mamay?” Dali-dali niyang inalalayan ang sarili na makatayo para myakap ang lola niya. “Na-miss kita, apo.” Walang katapusang pupog ng halik sa pisngi ang iginawad ng mamay niya. Hindi niya mabitiw-bitiwan ang lola niya kaya kusa na lang idinaiti ng tita niya ang kamay sa kanyang noo. “May, sumusobra ka na, ako naman.” Naiiling na bumuwag mula sa pagkakayakap sa kanya ang mamay. Yumakap naman kaagad ang tita sa kanya. Sak

