45- Intruder

1809 Words

“Kinain ba?” Matunog na buntong-hininga ang sagot ni Romina sa pag-uusyuso ni Tita Roda. Matunog niyang naibaba sa mesa ang plato na may lamang Garyang. Malungkot niyang inilingan ang tanong mangkok ng latik. “Baka…baka busog pa po.” Napasandal siya sa lumang ref nila at pinagkuskos ang mga kamay. Tatlong araw na siyang nakauwi, tatlong araw na rin siyang hindi kinikibo ni Mamay Loring. Ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya. Para sa kanya, mas masahol pa na tratuhin siyang ganito. Kahit naman kasi takot na takot siya, mas handa siyang tanggapin ang mga masasakit na salita nito kung saka-sakali. Noong araw na dumating siya, pumayag naman ang mamay na magmano siya ng kamay pero pagkatapos niyon, basta na lang ito pumasok ng silid. Abang siya nang abang kung kailan ito lalabas. Hapunan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD