The big day has finally come. Who would be more ecstatic in a wedding than the bride herself? Walang sukat ang kaligayahan ni Romina. Ang ganda ng lahat ng nakikita niya sa paligid. Habang nakatitig sa malaking salamin sa harapan niya, masasabi niyang she is, in fact, a glowing bride. Pregnant bride man kung maituturing, bumagay naman sa kanya ang off-shoulders maternity wedding dress na dinisenyo ni Miss Athena sa kanya. Buong akala niya, magiging awkward siya kapag suot na niya ang damit, pero bumagay pala sa kanya. Ang buhok niya, tamang loose-bun lang at ina-accentuate ng white flowers. Light lang din ang make up na inilapat sa kanya ng makeup artist. ‘Yong tama lang sa oras ng kasal. Ngayon siya naniniwala sa mga sinabi kanina nina Angie at Mrs. Melendrez na maganda siya sa araw na

