Chapter 14

1766 Words

NATAGPUAN ni Danilo ang sarili sa gitna ng kagubatan ng gabing iyon. Naroon siya sa gitna ng abo ng bahay ni Ipang. Malamig ang hanging panggabi na bumabalot sa kaniyang balat. Buong pagtataka siyang luminga at pilit na inisip kung paano siya napunta doon. Sa pagkakatanda niya kasi ay nasa bahay lang siya ni Aling Divina, silang dalawa ni Nenita. Naglakad ba siya habang natutulog? Hindi niya alam. Wala talaga siyang matandaan. “Nenita!” bulalas niya nang biglang maalala ang asawa. Kailangan na niyang bumalik sa bahay ni Aling Divina dahil walang nagbabantay dito. Ihahakbang na sana niya ang kaniyang paa nang may maramdaman siyang presensiya sa likuran niya. Napalunok siya at dahan-dahan na pumihit. Nagulat siya nang makita niya si Ipang na nakatayo ilang dipa ang layo sa kinaroroonan niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD