"TAKE ME OUT of this hell this instant!" Halos mapatid ang mga litid ni Krisstine habang kasagutan niya sa telepono si Rocky. The brute even had the gall to ask if she was okay. She clenched her teeth. "Baby Doll, calm down, okay?" mahinahong sagot ni Rocky sa lahat ng mga ipinagtatatalak niya. "Everything would be alright." "How could I calm down? Mababaliw ako sa lalaking iyon. Kung hindi sa mental ay baka sa correctional ako mapunta kapag nagtagal pa ako rito. Rocky please, handa akong gawin ang lahat ng gusto mo, huwag lang ito. Iuwi mo na ako, please?" "The media has already reported your vacation engrande. The fans has calmed down. Paunti-unti nang nada-divert ang issue sa s*x scandal ninyo, sa pagkakalabuan ninyo at sa pagiging totoo ng relasyon ninyo. Everybody's curious about

