PASULYAP-SULYAP si Krisstine sa nakapinid na pinto ng study room. Naroon pa rin si Blitzen. Inabot na ito ng gabi roon. Nasa apat na oras na siyang naghihintay sa paglabas nito. Napasulyap siya sa grandfather's clock na nasa sala. Ala sais pasado na. Napabuntong hininga siya. Bakit hindi mawaglit sa isip niya ang tagpong nakita niya kanina? Sa tuwing naaalala niya ang pagpatak ng luha ni Blitzen ay nahihirapan siyang huminga. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya't hinihintay niya itong lumabas. Why? Was she worried about him? Maybe. Nais niya lang masiguro na okay ito. Kanina pa niya pinaglalabanan kung kakatok ba siya sa pinto o hihintayin na lang na lumabas ito. Inabot na siya ng apat na oras ngunit hindi pa rin siya nakakapagdesisyon. She expelled a heavy sigh. Kailangan na niya

