NANG SANDALING maimulat ni Krisstine ang kanyang mga mata ay agad na sumagi sa isip niya si Blitzen. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Last night was so special. Sa buong gabing nagkasama sila, simula hapunan hanggang sa nagpababa sila ng kinain sa terasa habang pinanonood nila ang maningning na mga bituin sa langit, ni minsan ay hindi sila nag-away. Kung nagkabangayan man sila, batid niyang biruan lamang iyon. Hindi niya lubos akalaing darating sila sa puntong makakaya nilang matagalan ang isa't isa na hindi sila nauuwi sa away. In fact, they even had fun. Well, in her part, she did have fun. Nakarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pinto. Napakislot siya. Mayamaya'y bigla siyang nataranta. Hindi pa siya nakakapag-ayos! Inamoy niya ang kanyang hininga. Nakahinga s

