BUSOG NA BUSOG si Krisstine. Katatapos niya lamang kumain ng agahan kasalo sina Blitzen, Manang Lucing at mga anak nito. Napangiti siya. She grew up in a very strict place. Lalong naghigpit ang mga magulang niya nang matuklasan ng mga ito ang sinapit niya sa kanyang Yaya Myrna. Dahil doon, ni lamok ay hindi magagawang makadapo sa kadulu-duluhan ng buhok niya. Her parents made sure of that. In their house, she was untouchable. Nagkaroon din siya ng takot sa mga kasambahay. She hated them all. Kaya naman lahat ng kasambahay na nagsilbi sa kanila ay nakaranas ng pang-aapi mula sa kanya. Unconsciously, iginanti niya ang kanyang sarili mula sa mga ito. Kaya nga noong umalis siya sa kanilang bahay ay hindi na siya nag-abalang kumuha ng kasambahay. Mas gugustuhin niya pang mamuhay mag-isa kesa m

