"DON'T YOU ever do that again!" Isang matalim na tingin ang isinagot niya sa pagsigaw na iyon ni Blitzen. Naroon na sila sa isang abandonadong mansiyon. It was oddly placed at the center of nowhere. Napapalibutan iyon ng nagtatayugang mga puno. Di kalayuan sa lugar ay ang ilog na dinaanan nila kanina. The place was too quiet. Tanging huni ng mga ibon lang ang maririnig. Literal na silang dalawa lang ang naroon. Kung may kasama man sila, malamang ay multo na iyon. She cringed at the thought. Huwag naman sana silang multuhin. Baka himatayin siya ulit. "Huwag mo nga akong sigawan," naiinis niyang sawata rito. "Hindi ko naman ginustong himatayin. Kasalanan ko bang hindi kaya ng katawan ko ang sobrang takot?" "Bakit ba ganon na lang ang takot mo kanina eh ang babaw lang naman ng kinabagsaka

