KRISSTINE had trouble controlling her anger towards Blitzen ever since she saw him this morning. In her mind, she has already slapped him on the face—with hollow blocks on her hands—million times. Kasalukuyan silang nasa opisina ni Dasher. Hinihintay na matapos ang meeting ni Dasher kasama ang mga manager nila. Simula kanina ay hindi pa sila nag-uusap. Isa pa iyon sa lalo niyang ikinagagalit rito. Ito na nga ang may kasalanan sa kanya, ito pa ba ang hindi namamansin? Gigil na gigil talaga siya. Nais niya itong kumprontahin ngunit pinipigilan lang siya ng kanyang pride na gawin iyon. "Kapag ba bumulagta ako rito ngayon, tutulungan mo ako o bigla kang magpapa-piyesta sa sobrang saya?" Napakurap siya sa biglaang pagsasalita ni Blitzen. Kasalukuyan silang nakaupo sa magkaharap na sofa. Isan

