CHAPTER 36

1014 Words

LAHAT SILA AY NAPANGANGA sa eksaheradong pagdating ni Cupid na animo'y nanalo ito ng lotto na may isang daang milyong pisong premyo. Cupid's grin was from ear to ear. Hindi niya naiwasang makaramdam ng pagkairita sa bagong dating na kapatid. "Saan ka ba nanggaling at ngayon mo lang naisipang umuwi?" sikmat ni Dasher kay Cupid na biglang nagpakunot ng noo niya. "Ngayon lang siya umuwi?" usisa niya. "Oo. Hindi nga namin alam kung saan iyan nagpunta eh," sagot ni Vixen. "Baka nambabae lang iyan," iling ni Dancer. "Uy, hindi ah!" angal ni Cupid. "Para sabihin ko sa inyo, ako ang may pinaka-may silbi sa inyong lahat dito. Ako na ni hindi mo naalalang utusan para tumulong sa paghahanap kay Krisstine," may halong paghihinanakit na dugtong pa nito. Natigilan siya. Tsaka niya naalalang oo nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD