CHAPTER 37

834 Words

"HINDI MO na ba talaga siya mahihintay?" Napalingon si Krisstine kay Riza. Sa loob ng dalawang araw ay dito muna siya nakituloy. Ito ang taong nakapulot at kumupkop kay Monica, ang ina nina Blitzen at Donder. Sa loob ng mahabang panahon ay ito na ang nag-alaga at nakasama ni Monica, na pinangalanan nitong Rica dahil noong napulot nito ang ginang ay hindi na nito maalala kung sino ito. Blitzen's mom couldn't remember anything from her past. Isa iyong bagay na kahit paano'y nakapagpaliwanag kung bakit matagal na panahon itong nawala o kung bakit ni minsan ay hindi nito sinubukang hanapin kung nasaan ang mga anak nito. Ngunit ikinagulantang niyang lalo na hindi amnesia ang dahilan kung bakit hindi na ito makaalala. Monica had Post-Traumatic Stress Disorder when Riza found her 5 years ago.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD