NASAGOT ANG KATANUNGAN ni Krisstine nang bigla siyang bitawan ng limang lalaki. Pagkabitiw sa kanya ay mabilis na nagsi-alisan ang mga ito. Naiwan siya sa gitna ng hardin na tulala—hindi dahil sa bigla siyang iniwan ng mga kidnapper kundi dahil sa dulo ng hardin ay naroon si Blitzen, nakatayo at may hawak na isang bungkos ng mga rosas. "B-Blitzen..." anas niya. Isang kabadong ngiti ang naisagot ni Blitzen sa pagtawag niya. Nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya ay biglang may pumailanlang na kanta. Sabay pa silang napalingon ni Blitzen sa gawi ng mga lalaking nagtangkang kumidnap sa kanya dahil hindi galing sa stereo o sa kung anyong radyo ang kanta kundi sa isang lalaking nakatayo sa itaas ng hagdan. Kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong nag-iisang lalaking lumapit kay Riza

