"BAKIT KASI hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo?" Isang kibit-balikat lang ang isinagot ni Krisstine kay Yayo matapos niyang basta na lang talikuran iyong babaeng bigla na lang nanugod sa kanya kanina sa dalampasigan ng isla ng Boracay kung saan sila naglalakad-lakad kanina. "Sana sinipa mo rin, kahit sa mukha lang! Para kang engot, Ma'am. Haller, hindi ka punching bag, ano? Buti sana kung kurot lang ang ginawa sa iyo. Eh may kasama kayang kalmot at sapak." Lumapit ito sa kanya at tsaka binistahan ang kamay niyang nahagip ng babae kanina. Nang mapangiwi siya dahil paghawak nito ay eksaherada itong napabuntong-hininga. "Ayan tuloy, may pasa ka na! May shooting ka pa naman mamaya," nag-aalalang wika nito. "Kapag sinipa ko iyon, tiyak na nasa headline na naman ako. Tsaka para nam

