HINDI MAAMPAT ang pagkabog ng dibdib ni Krisstine habang hinihintay ang pag-ibis ni Blitzen mula sa sasakyang huminto sa harap ng shooting location nila. She was told that her "boyfriend" has arrived. Kabilin-bilinan ni Rocky na dapat niya raw itong sunduin kapag dumating na ito para makita ng buong staff at crew na kasama nila sa shooting. Kailangan niya raw kasing bumawi dahil nauna siyang pumunta roon at hindi na niya hinintay si Blitzen. Simula noong gabing nagkasagutan sila ay hindi pa sila muling nagkakaharap ng binata. She'd avoided him, that's why. Hindi niya kasi alam kung paano siya magre-react sa oras na makaharap niya ulit ito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na niya iyon magagawa. In fact, hindi niya ito magagawang pagtaguan habang buhay dahil marami silang pagsasamahang

