IT’S BEEN more than a month has passed. Kung tutuusin, maikling panahon lang iyon. Pero sobrang close na agad ni Della at Nathan, minsan ay napapaisip pa rin si Mari, paano kapag dumating ang araw na nahanap niya ang totoong ama ni Della? Paano niya ipapaliwanag sa bata na hindi si Nathan ang totoong daddy nito? Ayaw ni Mari na makitang nasasaktan si Della, dahil parang ang puso niya ang dinudurog. Pero sabi nga ng binata sa kanya, saka na niya po-problemahin iyon kapag dumating na ang araw na iyon. At sa tuwing nakikita ni Mari kung gaano kasaya ang anak, parang ayaw na niyang matapos ang lahat ng iyon. Nasanay na rin si Mari sa set-up nila ni Nathan na para silang isang tunay na pamilya. Dahil alas-dose pa ang pasok niya sa Café, may panahon pa sa umaga si Mari para

