PABABA na si Mari ng kotse ng mag-ring ang phone niya. Napatingin siya kay Nathan na nagsundo sa kanya. It was her last day from work for that week, bukas hanggang sa sabado ay naka-leave na siya. Dahil day off din siya sa Sunday kaya Lunes na ulit ang balik niya sa Angelique’s Cake Shop. Bukas ay tutulak na sila papuntang El Nido, Palawan at mananatili sila doon hanggang linggo. Kasama nilasa bakasyon si Sheen at ang magulang at kapatid ni Nathan. Na ayon sa binata ay excited makasama si Della. “Una ka na sa loob, sasagutin ko lang ‘to,” sabi niya, saka bumaba ng kotse. Ngumiti ito. “Sige,” sagot nito. “Hello girl, anong balita?” bungad ni Mari pagsagot. “Hay naku… ewan ko kung makakatulong ‘to… pero nagtanong ako sa mga dati kong

