Zahny Amira. Mabilis akong nakarating sa upuan, at napasulyap sa kinaruruonan ng kaibigan ko, at ang bruha pana'y ang ngiti sa akin. Hindi na tumagal ang program nang natapos rin. Napasulyap akong muli sa kinaruroonan ng lalaki. Laking gulat ko pa nang nakatingin rin pala siya sa'kin, kaya napayuko ako. Sa ilang sandali kanya-kanyang kuha na nang larawan ang ibang estudyante. "Bessy!" biglang sigaw ni Sophie at agad lumapit sa akin. "Lika doon tayo magpapicture apat," aniya at tinuro ang pwedi maging puwesto. Maganda nga naman ang spot doon para pagkuhaan ng picture. Nagpa picture na kaming apat sa photographer, mabuti nalang kakilala ni Sophie ang kumukuha ng larawan. Maya-maya pa'y dumating si Braddy. "May I joined?" He said. "Halika na hijo, sumama kana sa amin." Tugon ni Nan

