CHAPTER 5 Graduation day

3000 Words
Zahny Amira Huminto ang taxi sa harap ng BH namin, papasok pa lang ako sa gate nang makita ang kaibigan kong si Sophie, at may inis at pag-aalala sa mukha. Napalunok ako ng laway sa uri ng paninitig niya. "We're have you been Ms. Zahny Amira Wallene, at ano yang suot mong damit? Don't tell me na kay Braddy yan?" mapanuri niyang tanong at nakaclose arms. "Bessy," naiiyak kong bigkas at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Humikbi ako. "What happen bessy?" "Are you mad at me?" "No, bessy, nag-alala lang ako sayo, kasi pag-uwi ko wala ka, sino ba ang hindi magaalala hindi ba? Hinahap ka rin ni Braddy sa akin akala ko nga hinatid ka niya, ang sabi ko kagabi magtext ka kong nakauwi kana pero hindi mo ginawa nag-alala ako ng husto," she said calmly and clear. Tuluyan na akong napaiyak, hindi sana nag-alala ng best friend ko kung umuwi agad ako ng maaga kagabi. At hindi rin sana nangyari ang pakikipag one night stand ko. "I'm sorry bessy kung pinag-alala kita ng husto I'm sorry," na iiyak kong bigkas. "Shh it's ok bessy," aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Now tell me what happened last night? at saan mo galing itong suot mo?" aniya, saka hinawakan ang suot ko. "Pwedi bang magpalit muna ako, dahil nahihirap na ako sa suot ko?" saad ko. She sighed and nodded. Ngumiti ako sa kanya at humakbang. "Wait!" Pigil n'ya sa akin saka amoy sa ulo ko. "Bakit amoy pang mayaman ang shampoo mo? T'saka pang lalaki? Bessy dalian mo magbihis dahil sure akong marami kang sasabihin sa akin," saad nito habang tumataas baba ang dalawang kilay nito. "Oo na," wika ko. Nagmadali na akong pumasok sa kwarto, at nagpaliit na ng masusuot. Hinayaan ko lang ang long sleeve sa katawan ko, nagsuot lang ng ma-igsing short. Nagmistulang dress ang suot ko dahil sa laki ng size nang long sleeve, na suot-suot ko. Nahihiya ako sa kaibigan ko at ayaw kong makita niya ang mga marka ko Mamaya ko nalang tanggalin at ipakita sa kaniya kapag na kwento ko na lahat. Mabuti nalang at pinakain muna niya ko bago pa ako pagsimulaing magkwento. "Marunong ka naman palang magluto bessy ehhh," maluko kong biro sa kanya. Ang bruha inirapan lang ako. "Malamang alangan namang hintayin pa kita kung kailan dumating? Dalian mo na d'yan at atat na ako sa kwento mo." Iniling ko na lang ang ulo muling sumubo ng kinakain. Nagluluto naman talaga si Sophie tamad lang kung minsan. Minabuti ko ng bilisan ang pagkain, nagutom siguro talaga ako, muntik ko nang maubos ang hinanda niya. "Dahan-dahan naman sa pagkian babaita, para kang patay gutom tssssk." "Sarap kasi magluto nang best friend ko, nakakagana kumain," pagmamalaki ko pa, upang hindi ako mahalata na ginutom ako nang lalaking katalik kagabi. Lintik na yon hindi man lang ako inalok ng pagkain bago umalis. Ano pa nga ba inaasahan ko kung parausan lang tingin sa akin, imagine binigyan ako ng isang million, for one night, sino kayang tao ang magbibigay nun? Ano yon suhol? Dahil nawasak niya ako, mukha ba akong bayarin? Nalulungkot kong naiisip. Minabuti kong alisin ang isiping iyon, dahil halata naman sa taong yon na mayaman, nakabili nga ng penthouse, tapos ang laki-laki pa. Nang matapos kumain naupo kami sa sofa. "Sige na magsimula kana, naghihintay ako bessy," ata't na anas niya. Bumuntong hininga ako. "Ok fine." Kweninto ko lahat ang nangyari sa akin kagabi simula sa umpisa hanggang sa matapos, kweninto ko rin ang aksidenting pangyayari sa pagitan ng lalaking katalik ko kagabi. Kitang-kita ko kung paano nagulat at lumaki ang mata ni Sophie sa nalaman. "You mean bessy wasak na ang bataan mo?" she asked and I nodded. "Ehhhhh, talaga?" Tanong niyang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit tumitili pa siya na dapat nga nandidiri sa akin. "Gwapo ba bessy macho at malaki?" Tuwang-tuwa at excited niyang tanong, luka-luka talaga ang babaing ito, dapat nga galit magalit siy sa akin. "Oo totoo, tsa'ka gwapo, napaka gwapo at yummy, malaki rin ang a-ano-" Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko nang nagtitili siya at nagatatalon. "Acckkk," pagpipigil niyang tili, "Ang swerte mo bessy at least gwapo at yummy ang nakauna sayo hindi na masama hindi ba?" Aniya, at talagang tuwang tuwa pa. "Ewan ko sayo Sophie Mae, kanina kinakabahan ako baka ipagtabuyan mo ako, dahil sa kabaliwan kong nagawa, o hindi kaya mandidiri ka sa akin." "Ano ka ba bessy normal na sa ngayon ang pakikipag one night stand sa iba, sayo nga lang ang hindi. Isa pa wala sa antensyon kong mandiri or pagtabuyan ka dahil lang sa isang pagkakamali mo. What if nangyari rin ang bagay na iyan sa akin, ikaw ba mandidiri sa akin or pagtatabuyan ako?" Umiling ako ng sunod-sunod. "See tayo lang dalawa ang makakaintindi, kasalanan ko rin naman kung sana pumayag akong umuwi ka kagabi, hindi sana mangyari sayo ito," nalulungkot niyang sambit. "Ano ka ba bessy, wala kang kasalanan kung tutuusin kasalanan ko, kasi sumama ako, at ginusto ko ang nangyari kagabi." Wala sa sariling turan ko. Napahawak bigla ang kamay ni Sophie sa bibig dahil sa narinig. "You mean, ginusto mo talaga?" Namamangha niyang tanong. "Oo, sino ba naman ang hindi, kung tinatablan ka na pagkahorny mo, tsa'ka first time ko bessy as in lahat, first time ko alam mo yan." She started to smile, "you mean magaling siyang romansa at mangabayo?" Hindi ko alam kung bakit ganito ang tanong ng kaibigan ko. Uminit bigla ang mukha ko dahil sa hiya. "Grabe mukhang magaling nga yong lalaki, pinamulahan ka ohhhhh," tudyo niya. "Oo na bessy ang bilis ko ngang nilabasan, tsa'ka tingnan mo ito," sabay hubad sa harap niya. Hinubad ko ang long sleeve na suot ko at pinakita ang maraming marka sa dibdib ko. "OMG!.. Ang wild n'ya nga," she said. "Mukhang pinuro ka bessy ahh, uminom ka mamaya ng pain lirever para hindi ka tuluyang magkasakit," pang iinis ng kaibigan ko. "Wait nakilala mo ba yung guy?" she added. "Hindi e, mukhang suplado at mukhang parausan lang ang tingin sa akin. Here look at this." Sabay kapa sa bulsa ko, at pinakita sa kanya ang cheque na binigay sa akin ng lalaki. Gulat na gulat siya sa nakita at sa halagang nakasulat sa cheque. "OMG, bessy ang laking pera nito, s**t hindi lang pala yummy mayaman rin!" manghang winika niya. "Ibabalik ko yang pera niya, kapagnagkita kami uli. Hindi ko naman yan kailangan." I said to her. "Tama bessy ibalik natin ito tiyak akong magtataka si Tita sayo kung saan ito galing!" Tumango ako bilang pagsangayon sa sinabi niya. Dahil sure na sure iyon. Itatago ko na sana ang cheque nang pinigilan niya ako. "Wait bessy, nakikita rito ang pangalan ng tao kung kanino ito galing. Tiningnan natin tapos search natin sa FB." Napaisip ako sa sinabi niya, tama siya bakit kaya hindi ko naisip yon? "Gabriel Dence Fajar." Sabay pa naming bigkas sa pangalan niya. Mabilis namang nag-online ang kaibigan ko at hinanap ang pangalan sa social media. Ngunit wala kahit saang site, hinanap pa ni Sophie ngunit walang lumalabas na mukha niya. "Mukhang introvert ang naka one night stand mo bessy." Ngumiti ako ng tipid at tumango. MATULING dumaan ang araw, bukas graduation day na namin. Kasama narin namin sina Nanay at Tita Milanda, dumating sila noong makalawa pa, mabuti na lang tinulungan ako ni Sophie itago ang marka ko gamit ang foundation para hindi mapansin ni Nanay. Inabangan namin sila sa bus station para masundo, nag-iyakan pa kami ni Nanay dahil sa subrang pagkamiss sa isa't isa. Ganon din sina Sophie, nakakatuwa lang dahil muli namin silang nakasama. Pumasok kami sa isang fastfood restaurant para kumain. Bago umuwi para pagpahingahin sila, dahil alam naming pagod ang mga ito sa mahabang byahe. Nang makawi naiwan kami ni Sophie sa sala para iligpit ang mga dala nila. Ang dami nilang pasalubong sa amin gumawa si nanay ng mga kakanin tulad lang biko, puto, suman, cassava cake at maja. Mukahang mapapasabak kami nito kumain ng marami. Mga gulay naman ang dala ni Tita Milanda at fresh na fresh pa. "Bessy do you think na mauubos natin itong lahat?" I asked Sophie. "Hindi, pero pwedi naman tayong mamigay." Aniya. Naisapan naming bigyan ng gulay at kakanin ang may-ari ng BH kaya nagkusa na ako. "Nay, aalis po ako saglit para bigyan po ang may-ari nitong BH nang mga dala ninyo," paalam ko. "Sige anak damihan mo, at sasama ako." "Sige po Nay!" Nagdoorbell ako sa gate nila Tita Grace, binuksan naman ng katulong at pinapasok kami sa loob ng bahay. Agad kong nakita si Tita sa sala nakaupo at nanunuod sa malaking TV nila. "Hi po Tita Grace," pag bati ko. "Ohhh Zahny naparito ka?" Turan ni Tita at binalingan si Nanay. "Siya nga pala Tita, Nanay ko po," pagpapakilala ko. "Amilyn mare," Nanay said, at nilahad pa ang kamay kay Tita. "I'm Grace," sahalip na kamayan si Nanay, bigla na lang itong hinagkan, nagulat pa si Nanay sa nangyari. "I'm glad that finally I meet you." "Naku, mare nakakahiya ang bango mo tapos ako amoy araw pa," turan ni Nanay, at bahagya pang lumayo. "Sus, ano ka ba mare, mas okay nang amoy araw kaysa amoy malandi," biro niya. Nagtawanan sila, at magmumukhang OP ako sa dalawang ito dahil sa agad na magkasundo. "Nga pala mare, pagpasensiyahan mo na itong dala namin sa iyo." Binigay ni Nanay ang dala naming kakanin at gulay sa kanya. "Naku nag-abala pa kayo, pero salamat mare dito, paborito kung lahat ito." Anang Tita Grace. "Ngayon alam ko na kung saan nagmana nang kabaitan at kagandahan itong si Zahny." "Hindi ko alam na bolira ka pala mare," natatawang turan ni nanay. Naging magaan ang usapan nila halos ayaw pa nga pauwiin ni Tita si Nanay kung hindi ko lang inisip na maaga kami bukas para sa graduation, hahayaan ko lang ang mga ito. Nasabi rin sa akin ni Tita Grace na umalis na si Rayan, at muling sumampa ng barko, matatagalan raw siyang makauwi. Hindi narin daw siya nakapag paalam sa amin dahil nagmamadali itong umalis. Pagkauwi sa bahay naabutan naming nagluluto ang mag-ina. Pumunta si Nanay sa kusina para agawin ang ginagawa ni Sophie. "Naku hija, ako na d'yan," pag-aagaw ni Nanay sa hawak niya. "Huwag na po Tita kami na po ni Mama kaya na po namin." Mabilis siyang pinalo ni Tita sa pang upo niya. "Ouch naman Ma, masakit," reklamo niya sa ina at bahagya pang kinuskos ang puwetan. "Umalis ka na d'yan Mae kami na ni Tita Amie mo rito," anang tita. Ngumuso si Sophie. "Anong nginunguso mo d'yan? Alis na baka maging maalat pa ang niluluto, kung ikaw ang gagawa." pagbibiro ni Tita. Nagkatawanan kaming apat, dahil sa kakulitan ni Sophie, biniro niya rin kasi si Tita Milanda. Ganitong moment ang namiss ko noong sa probisya pa kami. Hinayaan na namin ni Sophie ang magulang namin sa kusina, dahil aayosin namin ang susuotin bukas sa graduation. Halos tapos narin kami sa ginagawa ng kumatok si Nanay sa pinto ng kwarto ko. "Mga anak labas na kayo at kakain na tayo." "OPO!" Sabay naming bigkas ni Sophie at nagtawanan. Nang makarating uupo na sana ako ng biglang may kumatok. Nagkatinginan kaming apat, Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon maliban sa kanila. Ako na ang nag presintang magbukas ng pinto "Hi Hon, good evening," bungad ni Braddy. Nagulat ako sa presinsya niya, at may dala pa itong bulaklak. "May I come in?" Bigla akong natauhan sa pagkurot ni Nanay sa tagiliran ko, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya. "Magandang gabi hijo, sino ang sadya mo?" Malumanay na tanong niyabsa kausap ko. "Good evening po I'm Braddy Galish po kaibi-" "Ahhh, si Braddy yung ex ng anak ko." Manghang bigkas ni Nanay. "Hello po, kayo po pala ang Nanay ni Zahny, nice to meet you po Tita." Dagli nagmano si Braddy kay Nanay. "Halika pasok ka sumabay ka na ring kumain sa amin," nakangiting pang-anyaya niya kay Braddy. Pinaunlakan ni Braddy di Nanay. Kumain na kami, ganon din siya. Alam kong hindi maarte si Braddy sa pagkain, kaya nilantakan niya lahat ng ulam na luto nila Nanay. Natutuwa pa nga ang mga ito sa kanya, dahil sa walang arte. Na kwento ko narin kay Braddy ang nangyari sa akin noong nawala ako. Pero hindi ko na sinama yung tungkol sa amin nong lalaking naka one night stand ko. Gumawa na lang kami ng alibi ni Sophie para hindi na s'ya mag-alala pa. Naging maingay at galak na galak ang Nanay ko sa banat ni Braddy. Binibiro pa nga ako nila na kung pwede raw magbalikan kami. Sinakyan naman iyon ni Braddy. "Sana nga po Tita matanggap uli ako ni Zahny bilang boyfriend," natatawang turan nito na alam kong biro niya. "Hoy Ikaw Mae, kailan ka magpapakilala sa akin ng nobyo mo?" Na bigla kaming lahat pa pagsabat ni Tita Milanda. "MAMA!" Nagtawanan kaming lahat dahil sa mukha ni Sophie, ayaw na ayaw n'ya talagang tawaging Mae. "Hindi ako magpapakilala sa inyo ng boyfriend kung hindi kayo titigil kakatawag sa akin ng Mae," naiiritang aniya. "Ohh bakit, sino ang tatandang dalaga kung magkataon?" Mas lalo namang naiinis si Sophie kaya napatawa kami. Hindi rin tumagal at nagpaalam rin si Braddy dahil mag-asikaso siya para sa graduation bukas, dumalaw lang daw ito para makita kaming maayos. Nagpasalamat sa kan'ya si Nanay at Tita sa pag-aalala niya sa amin. ____ Maaga pa lang gumayak na kami nagbihis at nagayos ng sarili, naglagay lang ako ng simpling make up at lipstick para hindi haggard kung sakaling magpicture taking mamaya. Nilugay ko rin ang mahabang buhok ko, nag-abala pang pinalansya ni Sophie ang buhok ko para tumuwid. Hindi pa rin kasi tuluyang nawala ang love mark ko sa leeg kaya minabuting kong nakalugay ang buhok upang hindi mapansin. Pinalagyan ko na rin sa kanya ng foundation, para sure na hindi makita. "Tara na," sigaw ni Sophie sa aming lahat, nang dumating ang sasakyan ni Braddy, nagpresinta kasi siya na ihatid kami ngayon sa school. Nakita ko siya nang makalabas kami at kumaway ganon din ang ginawa ko. Tulad namin naka suot narin ito ng toga. Bumababa si Braddy sa sasakyan at nagmano kay Nanay at Tita. "Nako napaka gwapo mo sa suot mo hijo, congratulations sa iyo." Bigkas ni Nanay, Napakamot sa ulo si Braddy dahil sa hiya kuno. "Salamat po Tita kayo rin po ang ganda nyo." Banat niya sa Nanay ko. "Sus boliro ka talaga hijo, baka itong si Zahny ang nakikita mong maganda at hindi ako." He smiled. "Syempre po Tita same po kayo, saan pa po ba magmamana ang ganda si Zahny kung hindi sa inyo lang po, kayo po ang Nanay ehh." Mga banat ni Braddy sa Nanay ko, nagtawanan pa silang dalawa habang naiiling ako. "Congrats Hon, you look gorgeous," Braddy said "Baliw, hon ka dyan?" kunwaring inis ko. "Mamaya na ako magcongrats sayo kapag na announce na nila na totoong graduate na tayo," natatawang turan ko sa kan'ya. Nakarating na kami sa school at pumunta sa lokasyon nang paggaganaping graduation day ngayon araw. Naghiwalay narin sa amin si Braddy dahil sa kabila siya. Hindi na tumagal at nagsimula na ang program, umupo na kami sa kan'ya kanyang upuan, at sakalukuyan magkahiwalay kami ni Sophie dahil sa apilyedo namin sa unahan siya at dito ako sa likod. Kalahating oras na ang lumipas, hindi parin tapos ang program dahil nagbibigay palang sila ng mga awards. Panay parin ang dada ng emcee sa unahan muntikan pa akong nakatulog dahil sa tagal. "Please welcome Mr Gabriel Dence Fajar." Anang emcee sa pangalan niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang sinigaw ng emcee ang pangalan ng lalaking magbibigay ng speach sa'min. Nagsitilian pa ang mga kababaihan sa paligid ko ng pinakilala siya. Uti-uting umangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Then I froze when I saw him on stage, wearing a blue pants and tuxedo suit, napaka gwapo n'ya sa suot na iyon, at mas maaliwalas ang mukha niya ngayon. "Ang gwapo niya hindi ba?" Someone said. "Oo grabe nakakalaglag panty lalo kung nakangiti pa." Ilan lang yan sa mga narinig ko sa paligid. Bumaling ako kay Sophie at nakita rin sa mukha ang mangha at gulat. Nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Sophie: Siya na ba? Text niya sa akin pasimple naman akong nagtipa ng sasabihin sa kan'ya. Me: Oo siya nga Sophie: OMG ang gwapo bessy, kainis ang swete ng bataan mo at s'ya ang nakawasak." Me: Hoyy babaita umayos ka nga! Pinamulahan ako sa pinagsasabi ng kaibigan ko. Natapos na lang ang speach n'ya hindi ko man lang naintindihan. Dumating na ang hinihintay ng lahat at pagkuha deploma. Isa-isang tinawag ang mga pangalan nang student bawat department. Pagkatapos ng Educ department kami na ang kasunod, nakapila pa lang ako subra na ang kaba ko. Isa ang lalaki sa taga kamay sa mga grumaduate at taga congrats. Yung iba ay kinikikilig dahil nginingitian ang mga ito. Tapos ng tawagin si Sophie ang luka-luka tinitigan pa ng husto ang lalaki bago umalis. Napakunot tuloy nang noo ang lalaki ng napansing tiningnan siya ni Sophie. "Baliw talaga ang babaing yun" I said at my self. Hindi tumagal tinawag narin ang pangalan ko. Habang papalapit sa kinaruroan niya bumibilis rin ang t***k ng puso ko. Kinuha ko na ang deploma ko at isa-isang kinamayan ang mga guro at panauhin, na nakangiti. Nang kamay niya na ang kasunod minabuti kung yumuko upang hindi makita ang mukha niya. Inabot namin ang mga kamay, at nabigla ako sa ginawa n'ya. Pinisil niya ang kamay ko, dahilan upang lingunin ko siya, nagtama ang aming mga mata, at tila mabingi ako sa bilis nang pagtibok ng puso ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis. "Congratulations babe." Saad niya, tama lang na kaming dalawa ang nakarinig. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Mabilis kong kinalas ang kamay ko mula sa kamay niya, at umalis para maka balik sa kinauupuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD