Title: Marry Me, Calos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance "Gusto mo talagang malaman?" balik na tanong ni Jun sa dalaga. "Oo naman, sabihin mo sa akin. Ako ang gagawa ng paraan at bibigyan kita ng advice," wika ni Hanica na may ngiti sa labi. "May nagugustuhan akong isang babae. Unang kita ko pa lang sa kanya. Nakuha na niya agad ang attention ko. Iyon nga lang. Hindi n'ya kasi ako pinanpansin. Palihim ko nga siyang pinagmamasdan at madalas kinukuhanan ng litrato. Hanggang sa ayon na nga mas lalo ko na siyang nagugustuhan ngayon dahil mas nakilala ko na siya ng lùbusan," saad ni Jun ng may ngiti sa labi. "Sino s'ya? At bakit ayaw mong sabihin sa kanya? Dapat sinabi mo 'yan. Baka mamaya maunahan ka pa ng iba," takang tanong at payo ng dalaga habang napapaisip ito. "Hindi n

