Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Samantalang sila Hanica at Jun naman ay natungo muli sa clinic para sa buwan-buwan na chek-up nito sa sinapupunan. "Isang buwan na lang at malalaman na natin ang gender ng baby n'yo," saad ng doctor. "Am, hindi po kami mag-asawa, doc," sagot agad ni Hanica. "Ay pasinsya na kayo, kasi naman lagi kayong magkasama at saka mukha kayong mag-asawa," saad ng doctor. "Okay lang po, madalas nga po kaming pagkamalan na mag-asawa. Kaya sanay na po kami," sagot naman ni Jun na may matamis na ngiti sa labi. Matapos ang check-up ay nagtungo sila sa palengke. "Bakit kasi sumama ka pa rito? Ikaw, gustong-gusto mo talagang nahihirapan. Kapag ikaw nadulas mapapaanak ka talaga ng hindi oras," sermon ni Jun kay Hanica. "Gusto ko n

