Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Nang minulat ni Hanica ang kanyang mga mata ay hindi mawala ang tingin n'ya sa mukha ni Jun. At napahawak pa ito sa magkabilang pisngi ng binata. Dahil nakikita nito ang mukha ni Carlos Miguel sa kanyang harapan. Nagtaka naman ni Jun sa ikinilos ni Hanica at nakakaramdam ng ilang at hiya sa dalaga. Ngunit may bahagi ng kanyang puso ang natutuwa. Dahil alam n'yang mali 'yon ay nagsalita s'ya, "Ma'am, okay lang po ba kayo?" Nang marinig ni Hanica ang boses Jun ay saka lamang siya nabalik sa kanyang sarili. "I'm sorry," saad nito at tinanggal n'ya agad ang kanyang palad na nakahawak sa psingi ni Jun. Bahagyan rin itong nag-iwas ng tingin at iniayos ang sarili. "Narito na ba tayo?" pag-iiba na lamang n'ya ng usapan.

