Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Napalingon naman si Hanica sa labas ng bintana. "Oo nga hindi ko napansin na narito na pala tayo sa airport," saad ng dalaga. Bumababa muli ng sasakyan ang binata at pinagbuksan nito ang kanyang boss ng pintuan ng sasakyan. Bumababa naman si Hanica ng sasakyan. Habang nakakapit sa kamay ng binata. "Salamat sa pag-alalay pero kaya ko pa naman. Hindi pa naman gano'n kalaki ang t'yan ko," saad ng dalaga at bumitaw ito sa palad ng binata. "Huwag kang mag-alala, Ma'am. Nandito lang ako sa likod n'yo susundan ko kayo kahit saan pa kayo makarating," saad ng kanyang driver na may ngiti sa labi. Tiningnan lamang ni Hanica ang binata at ngumiti 'to. Nakasunod naman ang binata sa kanyang boss na nasa likuran. At napapang

