Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance "Iyan na naman ang titig mong makahulugan," saway nito kay Jun. "Huwag ka kasing assuming," saad na lamang ng binata at tumawa ito. "Sa tingin mo? Magugustuhan mo kaya ang isang tulad ko?" makahulugang tanong ng binata at tumingin ito sa mga mata ng dalaga. Tumingin naman si Hanica sa mukha ng binata. "May itsura ka naman, matangkad, maalaga, masipag, puwede ko ng sabihin na mabait ka rin ng kaunti. Puwede na, siguro fifty-fifty," saad ng dalaga. "Ano'ng fifty-fifty?" kunot-noong tanong ng binata. "Fifty-fifty! Kulang-kulang ka. In short may sayad ka," saad ni Hanica na hindi mapigilang tumatawa at tinalikuran ang binata. Napangiti naman si Jun sa sinaad ng dalaga, 'May sayad ka rin," wika rin nito sa kanyang i

