Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Matapos ang tagpo na 'yon ay nagsalita ang ina nito. "Mabuti pa, ipasyal mo na lang ako kasama si Diane. Para naman makapasyal rin ako rito. Kasi balikan lang kaya ang ticket ko," masayang saad nito sa kanyang anak. "Sige po, Mom," saad ni Carlos Miguel at naglakad sila para yayain si Diane na lumabas at mamasyal. Natuwa naman ang dalaga dahil sa wakas ngayon lang siya niyaya ni Carlos Miguel na mamasyal sa labas. Kung kaya agad itong pumayag at sumama HABANG si Hanica naman ay nagbibihis at gabi na nga 'yon. "Aba! Mukhang may date ka kuya, ah," panunukso ni Beth sa kanyang kuya habang tumatawa. Kaya agad na hinila ni Jun ang kapatid nito. "Ikaw talaga napakadal-dal mo, mamaya baka marinig ka n'ya," saway ni

