Title: Marry Me, Caros Miguel Author: Miss_Choi Genre: Romance "Bakit naman dito mo ako naisipang dalhin sa simbahan?" tanong ni Hanica. "Simple lang, dahil officially na tayo na. Gusto ko mabasbasan ang pagsasama natin," sagot ni Lucas na may tipid na ngiti. "Okay," tipid na sagot naman ng dalaga. "Tayo na, pumasok na tayo sa loob," aya ni Lucas at hinila ang kamay ni Hanica papasok ng simbahan. Pumasok sila sa loob ng simbahan lumuhod at taimtim na nagdasal. 'Patawarin n'yo po ako, hindi ko gustong saktan ang lalaking kasama ko ngayon. Pero ginawa ko lang po kung ano sa tingin ko ang tama. Lalo na at ayukong makasira ng pamilya o mang-agaw," wika ni Hanica sa kanyang isipan at taimtim itong nagdarasal. 'Alam ko po na mali ang ginawa namin ni Diane. Pero nagawa lamang po namin

