Title: Marry Me, Carlos Miguel Author: Miss_Choi Genre: Romance Hindi makatulog ang dalaga sa kanyang higaan at hindi rin ito mapakali. Hindi n'ya alam kung bakit? Basta ang laman ng kanyang isipan ay si Carlos Miguel. At paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang mga katagang binitiwan nito sa binata. 'Sana mapatawad mo ako Carlos Miguel sa mga nasabi ko at nagawa. Alam ko na nasaktan kita ng sobra. Hindi mo lang alam. Pero mas masakit para sa akin dahil alam ko na kahit na ano'ng gawin nating pareho wala na tayong magagawa. Kahit pa sabihin ko na mahal na mahal din kita. Mas mahihirapan tayong pareho na tanggapin ang lahat. Sana maging masaya ka na sa piling ni Diane lalo na ngayon magkaka-anak na kayo. At magiging masaya na rin ako para sa inyo," saad nito sa kanyang isipan

