Kring! Kring! Kring!
"Hello, senyora Armaine!" pagbati ng mayordoma ng mansiyon sa kaniyang mahal na amo.
"Good day, manang Cora, I just want you to know regarding with my twins, uuwi sila diyan and we need a new maid na maaaring makatuwang mo diyan sa mansiyon, hire someone na mapapagkatiwalaan."
"Ganun po ba senyora, wala pong problema, maitanong ko lang po kung kailan po ba uuwi ang mga senyorito?" tanong ng mayordoma.
"Samakalawa manang and make sure na maayos at malinis nilang dadatnan ang mansiyon" saad ni senyora Armaine.
"Makakaasa po kayo senyora na malinis at maayos dito sa mansiyon at makakahanap ako kaagad ng mapapagkatiwalaang katulong natin dito bago umuwi ang dalawang senyorito." sagot ni Manang Cora.
"Maraming salamat manang, bye for now."
Dahil sa bilin ng amo ni manang Cora kaagad siya nagpaskil sa gate ng knilang mansyon na sila ay nangangailangan ng katulong. Hindi na siya nagpatumpik- tumpik pa at kaagad niya itong ipinaskil. Si manang Cora ang pinaka matagal na tauhan ng pamilya Santibanez, dahil mula noong maging mag asawa na sina senyora Armaine at senyor Gustavo siya na ang katuwang nila sa kanilang mansiyon. Ang pamilya santibanez ang may mga pinakamalalaking establishments and companies na nakatayo sa iba't- ibang lugar at pinaka kilalang mga business tycoon ng bansa. Mayroon silang pagmamay-ari na 25 towers and penthouse sa iba't- ibang bansa at mayroon din silang kompanya ng mga sasakyan. Kilalang kilala ang pamilyang ito dahil sa laki ng sakop ng kanilang business kung kaya't marami sa kanila ang nagnanais na makasosyo sila sa isang business upang ang kanilang mahihinang kompanya ay lumakas. Mabubuti ang kalooban ng mag- asawang Santibanez kaya naman biniyayaan sila ng twin brothers ng Panginoon upang magkaroon sila ng kabahagi sa knilang buhay ito ay sina Dion and Zion, sila ay nasa edad na 21 magkahawig na magkahawig ang dalawa halos hindi mo sila makikilala dahil kahit ang kanilang boses, hubog ng katawan at mga muscles ay magkapareho maliban sa iisang katangian, si Dion ay tahimik na tao, mahilig magsolo, marunong naman gumimik ngunit mas pipiliin na lamang niya ang mag- isa at makinig ng mga musika sapagkat ito ang hilig niya ang gumawa ng mga awitin. Samantala si Zion naman ay masungit kung titingnan at happy go lucky na tao, mahilig lumabas pumunta sa bar at makipag-inuman kabaligtaran ni Dion. Mahilig naman sa sports na basketball ang parehong magkapatid at sumayaw na nakakakpagpalaglag panga sa mga kababaihan hindi lamang sa talento ng dalawa kundi pati na rin sa mga angking kagwapuhan at kakisigan ng kambal kaya't maraming babae ang patay na patay sa dalawang ito.